Labing isang taon ko syang hinintay. Yun pala, it will only take him six pesos sa text to break my heart. Six pesos. Anim na text. Di na daw nya ako mahal.
Masakit? hindi... hindi na nga ako makaramdam. Parang namanhid na ako. Nasanay na. Namimimiss ko nga nung bata pa ako. Madalas kase ako mapalo kase maldita talaga ako maski nung maliit pa lang. Gusto ko maramdaman yung pisikal na sakit at umiyak ng malakas sa bawat palo ng tsinelas. Si Papa nun galit na galit. Ayaw nya kase na umiiyak kami. Gusto nya strong kami. Pero pag sinasabi nyang "sige..iyak pa, me palo ka pa!" lalo kong lalakasan ang iyak ko. Sobrang tigas talaga ng ulo ko. Namimiss ko si Papa, sana andito pa sya at pwede pa ako sermonan. Swerte na lang ng ex ko wala na siya, for sure iha-hunt siya talaga nun.
Bakit mo kase minahal?! Yan ang sabi sakin ng dalawa kong kaibigang guys na gago. Pwede bang hindi. Masyado kase akong totoo--masyadong vulnerable.
Parang usapang lasing na to ah! :-) ayoko na nga. libre nyo ko ng tequila, para mas masaya.
Eto ang walang sense na blog, pero alam ko me makakarelate din dito pag nabasa nyo.
Puntahan nyo na lang to :www.lettersforjosephus.blogspot.com kung gusto nyo magusyoso.
For now, feeling jaded talaga. But I know in time "when that which is perfect is come. Then that which is in part shall be done away. For now we see through a glass darkly, but then we shall see face to face. Now I know in part, but then I shall know fully, even as also I am fully known"
Cheerio!